Malakanyang aminadong wala pang malaking puntos ang administrasyon sa international drug syndicate
Aminado ang Malakanyang na hindi pa gaanong nakaiiskor ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga international drug syndicates na patuloy na nag-iimport ng ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang dahilan kung kaya dapat na paigtingin pa ang kampanya kontra sa ilegal na droga.
Dagdag ng kalihim, ipinag-utos na ng pangulo sa Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang sangay ng pamahalaan na bususisiin, hulihin, litisin at kasuhan ang mga taong nasa likod ng magkasunod na smuggling ng ilegal na droga kamakailan na nagkakahalaga ng mahigit P3 bilyon at P6.8 bilyon.
Sinabi pa ni Roque na kulang na ang ginagawa ng pamahalaan at kailangan na dagdagagn pa ang pagpupursige para matukoy ang mga taong nas alikod ng ilegal na droga.
Aminado si Roque na masyadong sophisticated na ngayon ang mga drug lord kung kaya nahihirapan ang mga awtoridad na makaagapay sa kanilang modus operandi.
Pinag-aaralan na rin aniya ng administrastos na makipag ugnayan sa mga soverigh states para maayos na matugunan ang naturang problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.