Red tide alert nakataas pa rin sa Puerto Princesa at Honday Bay sa Palawan

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 14, 2018 - 06:47 AM

Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko makaraang mag-positibo sa paralytic shellfish poison ang baybayin ng Puerto Princesa at Honday Bay sa Palawan.

Sa abiso ng BFAR, lahat ng uri ng shellfish na makukuha sa mga lugar ay hindi ligtas kainin dahil sa red tide.

Noong March 20, 2018, unang idineklara na ng BFAR na positibo sa red tide ang Puerto Princesa at Honda Bay.

Ayon kay Felina Cabungcal ng Palawan Provincial Agriculture Office, nang muli silang magsagawa ng pagsusuri, lumitaw na nananatili pa rin ang red tide sa karagatan.

Ani Cabungcal maaring nakaaapekto dito ang pabago-bagong panahon na nararanasan ngayon.

Kinakailangan aniya ng tuloy-tuloy na pag-ulan para maalis ang red tide.

TAGS: BFAR, Palawan, Radyo Inquirer, red tide, BFAR, Palawan, Radyo Inquirer, red tide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.