Presyo ng mga produktong petrolyo bahagyang tataas ngayong araw

By Justinne Punsalang August 14, 2018 - 04:08 AM

FILE

Mamayang alas-6 ng umaga ay magpapatupad ng kaunting dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto.

Tataas ng 15 sentimo ang bawat litro ng gasolina, habang 25 sentimo naman ang para sa kada litro ng diesel.

Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene o gaas.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng taas-presyo ang mga kumpanyang Eastern Petroleum, Caltex, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, at Shell.

Sa ngayon ay wala pang anunsyo ang mga kumpanyang Total at UniOil kaugnay sa price adjustment.

Ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo ay dahil sa pagmahal ng halaga ng krudo sa pandaigdigang merkado. Sa ngayon kasi nasa pagitan ng USD67.63 hanggang USD72.96 ang halaga ng krudo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.