Budget para sa flood mitigating project, biktima ng budget cut sa susunod na taon
Maging ang flood control mitigation projects ng pamahalaan ay nabiktima rin ng budget cut ng Department of Budget and Management sa susunod na taon.
Ayon kay House Appropriations Committee Chair Karlo Nograles, mula sa P122.7B ngayong taon ay binawasan ito ng P20.8B sa 2019.
Sinabi ng mambabatas na mali ang nasabing hakbang dahil hindi mabibigyan ng solusyon ang mga pagbaha kung babawasan ang budget sa mga proyekto upang kontrahin ang mga pagbaha.
Iginiit nito na ang dapat gawin ng pamahalaan ay dagdagan ang pondo sa mga katulad na proyekto sa halip na bawasan.
Ito ayon kay Nograles ay upang makatulong na masolusyunan ang mga problema sa pagbaha.
Iginiit nito na dapat maibalik ng pamahalaan ang bilang ng mga flood mitigating projects sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.