Mga delegado sa Asian Games, pinayuhan ni Duterte na gawin ang lahat para sa bansa

By Len Montaño August 13, 2018 - 11:16 PM

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipinong atleta na sasabak sa 18th Asian Games sa Indonesia na gawin nila ang lahat para sa bansa.

Sa send off ceremony sa Makanyang, inihayag ng Pangulo ang suporta sa Pinoy athletes gayundin ang commitment ng gobyerno sa pagpapabuti ng kalakaran ng sports sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, bahagi ang buong bansa sa bawat panalo na dala ng Pilipinong atleta.

Pinuri ng Pangulo ang dedikasyon at commitment ng mga atleta sa kani-kanilang sports at kinilala ang kanilang sakripisyo para magkaroon ng spot sa national team.

Pinaalalahanan ng punong ehekutibo ang mga atleta na hindi sila nakikipag-laban para lang sa sarili kundi dala nila ang dangal ng kanilang pamilya, komunidad at buong sambayanan.

Ang Pangulo ay binigyan nina Philippine Olympic Committee president Ricky Vargas at Ormoc City Mayor Richard Gomez ng jacket ng Team Philippines na kanyang isinuot hanggang matapos ang programa.

Kabilang ang Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz sa 272 athletes sa 35 sports na lalaban sa Asian Games mula August 18 hanggang September 2.

TAGS: Asian Games, Rodrigo Duterte, Asian Games, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.