Meycauayan, Bulacan isinailalim na sa state of calamity

By Len Montaño August 13, 2018 - 11:14 PM

Isinailalim sa state of calamity ang Meycauayan, Bulacan bunsod ng pinsala mula sa pag-uulan na dulot ng Habagat.

Ayon kay Rosario Gonzales ng city disaster office, sinabayan ng high tide ang malakas na ulan kaya binaha ang syudad.

Apektado ang 18 sa 26 barangay at nasa evacuation center ang mahigit 50,000 na katao.

Kabilang ang Meycauayan sa mg lugar na binayo ng hagupit ng Habagat noong weekend.

Ang naranasang malakas na ulan at pagbaha ay epekto ng Habagat na pinalakas ng lumayong 2 bagyo.

TAGS: Bulacan, Meycuayan, State of Calamity, Bulacan, Meycuayan, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.