Number coding suspendido na ngayong araw – MMDA
Suspendido na ang pag-iral ng number coding ngayong araw sa Metro Manila.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sinuspinde na ang number coding kaya ang mga sasakyan na may plaka na nagtatapos sa 1 at 2 ay maaring makabiyahe.
Sa hiwalay na anunsyo naman ng Traffic Management Office ng Pasig City, suspendido na rin ang pag-iral ng regular at odd/even traffic scheme sa lungsod.
Mananatili naman ang pagpapa-iral ng truck ban sa Pasig.
Samantala, wala pa namang abiso ng suspensyon ng coding ang Makati City at Las Pinas City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.