High-powered firearms narekober sa engkwentro sa Maguindanao

By Justinne Punsalang August 13, 2018 - 02:47 AM

Inquirer file photo

Narekober ng mga otoridad ang ilang matataas na kalibre ng baril matapos makasagupa ng militar ang mga miyembro ng Bagsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Malangog sa bayan ng Datu Unsay, Maguindanao.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana na siyang pinuno ng 6th Infantry Division at commander ng Joint Task Force Central, naka-engkwentro ng mga elementro ng 2nd Mechanized Infrantry Battalion ang nasa 10 miyembro ng BIFF bandang ala-6 ng umaga ng Linggo, August 12.

Kapwa walang nasugatan at nasawi dahil sa bakbakan, ngunit napilitan ang mga terorista na tumakas mula sa pinangyarihan ng insidente at iniwan nila ang iba’t ibang mga matataas na kalibre ng armas at pampasabog.

Nakuha ng mga militar mula sa kuta ni BIFF Commander Bungos ang isang kalibre 50 sniper rifle, isang M16 rifle, isang M14 rifle, isang kalibre 45 baril, dalawang improvised explosive device (IED), tatlong sako ng mga sangkap sa paggawa ng IED, isang ICOM antenna, iba’t ibang mga bala, at iba pang mga gamit pandigma.

Ani Sobejana, ikinasa ang operasyon matapos idulong ng isang concerned citizen ang tungkol sa presensya ng mga armadong lalaki sa lugar na kalapit lamang ng Liguasan Marsh.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.