Cardinal Tagle hinimok ang mga simbahan na tumulong sa mga nasalanta ng kalamidad

By Chona Yu August 12, 2018 - 05:34 PM

Hinimok ni Manila Archbishio Luis Antonio Cardinal Tagle ang iba’t ibang parokya na buksan ang kanilang pintuan para sa mga apektado ng bagyong Barding at habagat.

Inaanyayahan ng kardinal ang lahat na manalangin para sa kaligtasan ng mga apektadong residente.

Sinabi pa ni Cardinal Tagle na maari lamang na humingi ng tulong o lumapit sa diocesan caritas at social action centers ng iba’t ibang parokya ang mga nangangailangan ng tulong.

Ayon kay Cardinal Tagle, nag-alay na ang simbahang katolika ng mga misa at panalangin para sa mga apektadong residente.

Kasabay nito, sinabi ni Cardinal Tagle na bukas din ang pintuan ng Simbahang Katolika para sa mga handing tumulong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.