LOOK: Palasyo, nagpaalala sa publiko na dapat maging alerto sa sama ng panahon

By Chona Yu August 12, 2018 - 02:18 PM

Pinaalalahanan ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na maging alerto at ligtas.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng babala ng PAGASA na patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa dahil sa habagat.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mas makabubuti kung mananatili muna sa evacuation centers na inihanda ng mga lokal na pamahalaan ang mga apektadong residente.

Tiniyak pa ni Roque na patuloy na pinagsusumikapan ng pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente at masiguro ang kaligtasan.

Base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot na sa mahigit P120 milyong halaga ng assistance ang naipamigay ng pamahalaan sa mga apektadong residente.

Nagpapasalamat din ang Palasyo sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan maging sa mga pribadong sektor at volunteers sa patuloy na pagbibigay ng tulong sa publiko.

TAGS: habagat, NDRRMC, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Harry Roque, habagat, NDRRMC, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.