Ilang mga dam, nagpakawala na ng tubig

By Rhommel Balasbas August 12, 2018 - 07:06 AM

File photo

Nagpakawala na ng tubig ang ilang mga dam bunsod ng mga pag-ulang naranasan sa magdamag.

Ayon sa PAGASA, una nang binuksan ang gates ng Ambuklao Dam, Binga Dam at Magat Dam.

Alas-12:00 ng hating gabi ng buksan ang isang gate na ng Ipo Dam sa Bulacan.

Nagkaroon ng 0.3 meter opening ang gate ng dam at naglabas ng tubig na aabot sa 61.9 cubic meter per second.

Dahil dito nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa mga bayan ng Angat, Bustos, Hagonoy, Norzagaray, Plaridel, Pulilan at San Rafael.

Binuksan na rin kaninang alas-2:00 ng madaling araw ang San Roque Dam sa Pangasinan ngunit hindi naman nag-abiso ang PAGASA kung ilang gates ang binuksan.

Posibleng makaapekto ang gate opening ng San Roque Dam sa mga bayan ng San Manuel, San Nicolas, Tayug, Asingan, Sta. Maria, Villasis, Alcala, Bautista, Rosales at Bayambang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.