Katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan, inaasahan sa Luzon ngayong araw – PAGASA

By Rhommel Balasbas August 12, 2018 - 06:03 AM

Bagaman nakalabas na ng bansa, patuloy na hinahatak ng Tropical Storm Yagi o ang Bagyong Karding ang Habagat na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon at ilang bahagi ng Visayas.

Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 625 kilometro Hilaga-HiIlagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.

Dahil sa Habagat, makararanas pa rin ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malalalakas na pag-uulan sa Metro Manila, Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA.

Maulap na kalangitan na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat din ang mararanasan sa Western Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon dahil pa rin sa Habagat.

Ang natitirang bahagi ng Visayas at buong Mindanao ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may posibilidad ng pulo-pulong pag-uulan.

Samantala, isang tropical storm ang binabantayan ngayon ng weather bureau sa labas ng bansa na may international name na ‘Leepi’.

Namataan ito sa layong 2,230 kilomerto Silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 95 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong pa-Hilaga sa bilis na 15 kilometro at sa ngayon ay hindi pa inaasahang papasok ng PAR.

Nakataas ang gale warning sa baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Metro Manila, West Coast ng Batangas, Mindoro Occidental at Northern Palawan.

Pinapayuhan ng weather bureau ang mga mangingisdang may maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa malalaking alon.

TAGS: #HabagatPH, #KardingPH, PAGASA DOST, weather advisory, #HabagatPH, #KardingPH, PAGASA DOST, weather advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.