PAGASA: Malakas na buhos ng ulan asahan sa Metro Manila
Nagtaas ng heavy rainfall alert ang PAGASA sa Metro Manila at ilang lalawigan bunsod ng tuluy-tuloy na nararanasang pag-ulan, araw ng Sabado.
Inaabisuhan ang publiko na mag-ingat dahil magpapatuloy sa susunod na dalawang oras ang malakas na pag-ulan at thunderstorms.
Sa 5:00 PM advisory ng weather bureau, ito ay bunsod ng pinaigting na Southwest Monsoon o habagat na dulot ng Bagyong Karding. Nanatili sa red warning level ang Metro Manila at Rizal. Itinaas naman sa orange warning level ang Bataan, Zambales, Pampanga at Bulacan Samantala, yellow warning level naman ang lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, Batangas, Cavite at Northern Quezon.
Nangangahulugan ito na nakararanas ng intense rainfall ang mga nabanggit na lugar.
Malaki rin ang posibilidad ng pagbabaha sa mga lugar lalo na sa low-lying areas.
Dahil dito, makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay pabugso-bugsong bigat ng pag-ulan sa mga nalalabing parte ng Quezon sa susunod na tatlong oras.
Kaugnay nito ay inalerto ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management council na mag-antabay sa anumang update sa sama ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.