Ilang lugar sa Metro Manila kanselado na ang klase
Suspendido na ang klase sa maraming lugar dahil sa inaasahang paglakas pa ng pag-ulan ngayong Sabado ng hapon, Agosto 11.
Sa Maynila, walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Kinansela na rin ang klase at iba pang school activities sa Valenzuela City, Caloocan, Malabon, at Bataan.
Nagdeklara rin ng walang pasok ang Navotas Polytechnic College sanhi pa rin ng mga pag-ulan.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng mga local officials ang lahat na mag-ingat at magmonitor para sa karagdagang impormasyon sa lagay ng panahon mula sa mapagkakatiwalaang news sources.
Nagbabala din ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mga mababang lugar at mga malapit sa mga ilog.
Itinaas na ng Marikina City Rescue 161 sa 1st alarm ang lebel ng tubig sa Marikina River.
Ang deklarasyon ay ginawa matapos na umakyat sa 15.5 meter ang tubig kaninang 1:00 ng hapon.
Sa ilalim ng 1st alarm ay otomatiko nitong pinaghahanda ang mga residente malapit sa ilog at pinapayuhan na magmatyag.
Base sa monitoring ng marikina rescue 161 hindi madaanan ng anumang sasakyan ang Lilac Road corner Olive Street habang may walong pulgada namang tubig sa Marikina Bridge loop.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.