Mas maraming produkto inilagay na sa SRP

By Den Macaranas August 11, 2018 - 02:22 PM

Inquirer file photo

Dinagdagan pa ng Department of Trade and Industry ang listahan ng mga produktong sakop ng suggested retail price (SRP).

Layunin nito na maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin sa mga ordinaryong mamamayan.

Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na mula sa 145 items ay umaabot sa 209 items ang covered ng SRP.

Kasama na sa listahan ang luncheon meat, meat loaf, corned beef, suka, toyo, patis, sabon, kandila, baterya, bottled water, sardinas, powdered milk, gatas at kape.

Aminado ang opisyal na nagsamantala ang ilang mga negosyante sa pagpapatupad ng Train Law kaya tumaas ang halaga ng ilang food products.

Base sa pag-aaral ng DTI, mula dalawa hanggang walong porsiento lang ang ginawang pagtaas sa presyo ng mga manufacturer ng ilang mga produkto pero nadoble ito pagdating sa ilang mga tindahan.

Nangako rin si Lopez na mas maraming mga tindahan ang kanilang imo-monitor para matiyak na hindi sisirit ang presyo ng ilang mga produkto.

TAGS: BUsiness, canned goods, dti, sec. ramon lopez, SRP, BUsiness, canned goods, dti, sec. ramon lopez, SRP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.