Halos 200 na ang patay sa magnitude 7.5 na lindol sa Afghanistan at Pakistan

By Jay Dones October 27, 2015 - 03:55 AM

 

Mula sa www.telesurtv.net

Nasa 180 katao na ang iniuulat na nasawi dahil sa magnitude 7.5 na lindol na tumama sa tatlong bansa sa southern Asia kahapon.

Pinangangambahang tataas pa ang naturang bilang sa mga susunod n oras dahil sa tindi ng pagyanig.

Sa Khyber Pakhtunhkwa province sa bansang Pakistan, nasa 146 na ang nasawi.

Sa Afghanistan, nasa 34 katao ang iniulat na namatay kabilang ang 12 babaeng estudyante na naipit sa stampede habang nagtatangkang lumabas ng kanilang paaralan sa kasagsagan ng lindol.

Naipit umano ang mga mag-aaral na babae na umeedad sa pagitan ng 10 hanggang 15 taong gulang sa hagdan ng kanilang paaralan sa syudad ng Taluqan.

Una nang tumama ang malakas na lindol may 45 kilometro south-southwest ng Jarm, Afghanistan, malapit sa Afghnistan-Pakistan border.

Bukod sa dalawang bansa, naramdaman din ang pagyanig hanggang India, Tajikistan at Kyrgyzstan.

Ilang struktura rin ang bumagsak dahil sa matinding paggalaw ng lupa.

May mga naitala ring insidente ng landslide sa Northern Pakistan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.