Bagyong Karding, napanatili ang lakas hababang papalabas ng PAR

By Rhommel Balasbas August 11, 2018 - 01:07 AM

Napanatili ng Bagyong Karding ang lakas nito habang papalabas ng bansa sa direksyong Hilagang-Kanluran.

Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,075 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.

Inaasahan itong lalabas ng bansa ngayong araw ng Sabado.

Samantala, binabantayan din ng PAGASA ang isang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na namataan sa layong 1,065 kilometro Kanluran ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kilometro kada oras.

Ayon sa weather bureau, palalakasin ng Bagyong Karding at ng bagyo sa labas ng PAR ang Habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-uulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at western section ng Central Luzon.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.

Inaasahan din ang mahina hanggang sa katamtaman na minsan ay may kasamang malalakas na pag-uulan sa Metro Manila, Mindoro Provinces, CALABARZON at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.

Nananatiling mapanganib ang paglalayag sa western seaboards ng Luzon.

TAGS: #HabagatPH, #KardingPH, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Depression, Tropical storm, weather advisory, #HabagatPH, #KardingPH, Pagasa, Radyo Inquirer, Tropical Depression, Tropical storm, weather advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.