Kaso nina Peter Go Lim, Kerwin Espinosa at iba pa may basehan – DOJ

By Jan Escosio August 10, 2018 - 03:48 PM

Iginiit ng Department of Justice na may probable cause o sapat na batayan ang panibagong kaso na isinampa laban kina Peter Lim alyas Jaguar, Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco at Ruel Malindingan.

Ang kasong illegal drug trading, na una nang naibasura, ay isinampa muli sa isang korte sa Makati City matapos magsagawa ng panibagong preliminary investigation ang binuong panel of prosecutors ni Justice Sec. Menardo Guevarra.

Pinagbasehan ng pagsasampa ng kaso ang pag-amin ni Espinosa ng pagkakasangkot niya sa pagpapakalat ng droga nang humarap siya sa pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa Senado.

Magugunita na inamin din ni Adorco na si Jaguar ay isa sa mga drug supplier ni Espinosa.

Iginiit ng mga tagasakdal sa pangunguna ni Senior State Prosecutor Juan Pedro Navera na ang pahayag nina Espinosa at Adorco ay pagpapatunay ng sabwatan ng mga akusado.

 

TAGS: department of justice, kerwin espinosa, Peter Lim Go, department of justice, kerwin espinosa, Peter Lim Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.