Panukalang 2019 budget babaguhin ng Kamara

By Erwin Aguilon August 10, 2018 - 12:00 AM

Rerepasuhin na ng Kamara ang panukalang budget para sa susunod na taon kasunod ng cash-based policy ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay House Appropriations Committee Chair Karlo Nograles, ibabalik nila sa obligation-based ang 2019 budget.

Sinabi ni Nograles na ipinatawag na nila ang DBM para sa gagawing pagbabago sa budget.

Paliwanag ng mambabatas, kung dati ay suportado nila ang cash-based bugeting policy ngayon ay umaatras na sila dito dahil sa nakita nilang negatibong epekto.

Kabilang anya rito ang pagkaltas ng budget ng ilang mga kagawaran sa kabila ng pangangailangan ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.