Bagyong Karding nagbago ng direksyon at kumikilos na pa-Hilagang-Silangan

By Rhommel Balasbas August 09, 2018 - 11:33 PM

Bagong direksyon ang tinatahak ng Bagyong Karding at ngayon ay kumikilos na sa direksyong Hilagang-Silangan sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Ayon sa 11pm advisory ng PAGASA, huling namataan ang tropical storm sa layong 1,190 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.

Patuloy ding binabantayan ng weather bureau ang low pressure area (LPA) sa West Philippine Sea.

Huling namataan ang LPA sa layong 1,135 kilometro Kanluran ng Extreme Northern Luzon at nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Palalakasin pa rin ng LPA at Bagyong Karding ang ihip ng Habagat na magpapadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-uulan sa western section ng Hilaga at Gitnang Luzon.

Ibinababala ang weather bureau ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar at nananatili ring mapanganib ang paglalayag sa western seaboard ng Luzon.

Samantala, inaasahang lalabas ng PAR ang bagyong Karding bukas ng gabi, Biyernes o Sabado ng madaling araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.