CHED sinisi ang DBM sa problema sa free education program
Aminado ang Commission on Higher Education (CHED) na pinoproblema rin nila ang cash-based budgeting system ng Department of Budget and Management para sa susunod na taon.
Sa pagharap sa pagdinig ng Kamara sa 2019 budget ng ahensya, sinabi ni CHED OIC Dr. J. Prospero De Vera na hindi kinunsulta ng Budget Department ang kanyang tanggapan kaugnay sa inilatag na budget.
Sinabi ni De Vera na malaking problema nila ang pagpapatupad ng RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education na may P50 Billion budget para sa 2019.
Paliwanag nito, hindi nagtutugma ang fiscal year sa school year kaya problema nila ang budget para sa free college education.
Malaking problema nila ang 2nd semester ng school year dahil hindi na nito sakop ang 2019 fiscal year.
Sinabi pa ni De Vera na hindi pwedeng manghula kung ilan ang enrolees para sa 2nd semester dahil ito ay dadaan pa sa certification at verification.
Ang fiscal year para sa 2019 ay nagsisimula ng January hanggang December, 2019 pero ang academic year para sa 2019 ay magsisimula ng June, 2019 hanggang April 2020 habang sa ibang paaralan naman ay magsisimula ng August, 2019 hanggang June, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.