Panukalang 2019 budget posibleng ibalik ng Kamara sa Malacañan

By Erwin Aguilon August 09, 2018 - 01:25 AM

Pinag-aaralan ngayon ng Kamara ang dalawang opsyon para sa panukalang P3.757 trilyon na gugugulin sa susunod na taon.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya, ang isang opsyon ay ibalik sa Malakanyang panukalang budget o kaya naman i-overhaul ito ng Kamara.

Sa isinagawang all-members caucus lumabas na nangangamba ang mga kongresista sa cash-based bugeting syatem na pinairal ng Department and Budget and Management (DBM) sa susunod na taon.

Sinabi ni Andaya na nangangamba ang mga kongresista na maka-apekto ito lalo na sa mga matagalang proyekto.

Sa ilalim ng cash-based budgeting system, kailangang gastusin ng bawat ahensya ang pondo sa loob lamang ng isang taon na kaiba sa dating obligation-based budgeting kung saan maaring gukasta ang mga ahensya para sa mga proyekto at bayaran sa susunod na taon.

Kinukwesyon din aniya ng mga kongresista kung bakit maraming ahensya ang binawasan ng pondo sa taong 2019.

Iginiit ni Andaya na kailangang ayusin ang budget dahil mayroon ng hindi tamang projections kabilang ang inflation.

Gayunman, sinabi ni Andaya na susubukan nilang makipag usap sa sangay ng ehekutibo upang makipaglinawan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.