Pangulong Duterte nangako ng P2B para palakasin ang PNP

By Rhommel Balasbas August 09, 2018 - 02:46 AM

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan pa ito ng P2 billion para mapalakas ang Philippine National Police (PNP).

Sa talumpati ng pangulo sa 117th National Service Anniversary celebration sa PNP national headquarters, sinabi nito na buo ang suporta ng gobyerno sa PNP at buo rin ang ‘commitment’ ng kanyang administrasyon na mapalakas pa ang kakayahan ng pwersa ng pulisya.

“I would like to emphasize that the PNP has the government’s full support […] and is fully committed to enhancing your capability,” ani Duterte.

Sa katunayan anya ay naglaan ng P2 bilyong piso ang pamahalaan para sa PNP capability enhancement plan.

Sinabi ito ng pangulo isang araw matapos pagalitan ang mga pulis scalawags sa Malacañang at nagbantang papatayin ang sinumang masasangkot sa krimen.

Gayunman, sa kanyang talumpati ay iginiit ng pangulo na suportado niya ang PNP lalo na sa pagpapatuloy ng kanyang gobyerno sa giyera kontra droga.

Nagpayo rin si Duterte sa mga pulis na huwag magdalawang isip na pumatay sakaling nasa bingit ng peligro ang kanilang buhay sa mga anti-drug operations.

“When your life is in danger, and you feel that really you will die and leave a family fatherless, do not hesitate to kill because of the case,” ayon sa pangulo.

Hindi rin aniya papayag ang presidente na makulong ang isang pulis kung ang ginawa nito ay naaayon sa isinasaad ng batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.