Nasawi sa lindol sa Indonesia umabot na sa 131

By Justinne Punsalang August 09, 2018 - 04:16 AM

Umakyat na sa 131 ang bilang ng mga nasawi sa lindol na naganap sa Lombok Island sa Indonesia.

156,000 naman ang bilang ng mga taong nagsilikas sa kanilang mga bahay dahil sa pinsalang dulot ng pagyanig.

Sa ngayon ay humihingi ng tulong ang pamahalaan ng Indonesia upang makakalap ng pagkain, malinis na inuming tubig, at gamot na kailangan ng mga nagsilikas na residente.

Sa datos ng mga otoridad, 1,477 katao ang lubhang nasugatan dahil sa lindol.

Inaasahan pa umanong tataas ang bilang ng mga nasawi sa darating na mga araw, habang patuloy na isinasagawa ang search and rescue operations sa mga gumuhong bahay, paaralan, at moske.

Bagaman marami nang nagpapaabot ng tulong sa Indonesia, nahihirapan naman ang mga relief groups mula sa loob at labas ng bansa na maipadala ito sa Lombok dahil sa mga nasirang daanan patungo sa lugar.

Isa pa umano sa pinoproblema ng mga otoridad ang trauma na nararanasan ng mga residente matapos makita ang pagkasira sa kanilang mga ari-arian, maging ang mga bangkay ng kanilang mga kaanak at kaibigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.