Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Eastern Samar alas-4:46 hapon ng Miyerkules.
Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 11 kilometro Kanluran ng bayan ng Llorente.
May lalim itong 30 kilometro at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang pagyanig sa iba’t ibang bahagi ng Leyte at Samar.
Intensity V – Llorente, Guiuan, Salcedo at Mercedes, Eastern Samar
Intensity IV – Borongan City; General MacArthur, Giporlos at Maydolong, Eastern Samar
Intensity III – San Julian at Taft, Eastern Samar; Tacloban City
Intensity II – Dolores at Oras, Eastern Samar; Palo, Leyte
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Borongan City
Intensity III – Palo, Leyte; Catbalogan City, Samar
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.