Zero-tarrif sa imported na karne hindi itutulak ni SGMA
Sa gitna ng paghahanap ng paraan upang matugunan ang pahirap na dulot ng mataas na inflatoon rate aa publiko nilinaw ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na hindi niya isinusulong ang pag-aalis ng taripa sa importasyon ng karne.
Sinabi ni Arroyo na hindi niya pinapaboran ang ang zero tariff sa mga aangkating meat products.
Paliwanag nito, base sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), maraming ibang dahilan ng pagtaas ng inflation.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Arroyo matapos magtanong sa kanyang tanggapan ang chairman ng grupong Sinag na si Rosendo So.
Una rito, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na iminungkahi ni Arroyo sa mga economic managers ang zero tariff sa meat at fish importation.
Gayunman, nagbigay ng paglilinaw si Salceda at sinabing hindi isasama sa binabalangkas na executive order para sa produktong aalisan ng taripa upang mapababa ang inflation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.