DOT inutusan na palakasin ang turismo sa mga lalawigan

By Erwin Aguilon August 08, 2018 - 03:10 PM

Inquirer file photo

Hinimok ni House Appropriations Committe Chair Karlo Nograles ang Department of Tourism na gamitin ang kanilang budget para lalo pang palakasin ang turismo sa mga lalawigan.

Sa taong 2019 aabot sa P3 Billion ang panukalang budget ng DOT.

Ayon kay Nograles, malaki ang maitutulong ng turismo sa mga probinsyano na kumita ng husto mula sa mga programang pangturismo ng kagawaran.

Aabot kasi sa P1.618 Billion ang nakalaan upang pagandahin ang imahe ng Pilipinas sa mga dayuhan at maisama ang mga tourist destination sa bansa.

Kung maayos aniyang maisasakatuparan ito, maraming mga Pinoy na nasa mga kanayunan ang makikinabang sa malaking kitang malilikom sa turismo.

Dapat lang aniyang gamitin ng tama ang pondo lalo’t malaki ang potensyal ng turismo sa bansa at ito rin ang dahilan kaya itinaas ang budget para sa pagpapalago nito.

Kabilang dito ang advertising na aabot sa P1.1 Billion, samantalang aabot sa P200 Million para sa byahe, P330 Million para sa professional fee at P211 Million naman bilang representation fund.

TAGS: dot, Nograles, turismo, dot, Nograles, turismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.