Puyat, dumistansya sa isyu ng umano’y anomalya sa pamumuno noon ni Teo sa DOT

By Erwin Aguilon August 08, 2018 - 11:53 AM

Ipinauubaya na ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat sa Commission on Audit o COA ang pagbusisi sa mga anomalya ng nakalipas na pamunuan ng Department of Tourism o DOT.

Sa pagharap sa pagdinig ng Kamara sa 2019 budget ng DOT, sinabi ni Puyat na binigyan ng COA ng anim na buwan sina dating Tourism Secretary Wanda Teo upang sagutin ang Audit Observation Memo ng COA.

Paliwanag ni Puyat, nasa proper authority na ang usapin kaya didistansya na siya rito.

Dagdag ng kalihim, noong dumating siya sa ahensya ay nailabas na ng COA ang Notice of Disallowance sa transaksyon ng DOT na aabot sa P2.5 billion kabilang na ang ads na pinasok nito sa Bitag Media na pag-aari ng kapatid ng Teo na si Ben Tulfo.

Ang COA na rin aniya ang nakakaalam kung ibabalik ang nasa P60 million sa gobyerno na ipinambayad sa Bitag Media at iba pang transaksyon ni Teo.

Sinabi ni Puyat na sa kanyang pagkaka-alam, kapag bigong maibalik sa gobyerno ang halaga na kasama sa notice of dissalowance ay dadalhin ang usapin sa Office of the Ombudsman.

 

TAGS: Bernadette Romulo-Puyat, commission on audit, Department of Tourism, Wanda Teo, Bernadette Romulo-Puyat, commission on audit, Department of Tourism, Wanda Teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.