Grab PH, kinondena ang pagpatay sa isa nilang driver

By Isa Avendaño-Umali August 08, 2018 - 10:35 AM

Mariing kinondena ng transport network company o TNC na Grab Philippines ang pagpatay sa isa sa kanilang drayber na kinilalang si Ananias Antigua.

Batay sa report, noong August 1 ay natagpuan ng Paranaque police si Antigua na wala nang buhay at tadtad ng tama ng bala ng baril sa loob ng sasakyan.

Sa isang statement, sinabi ni Grab Philippines country Brian Cu na lubos silang nalulungkot sa kinahinatnan ni Antigua.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa mga otoridad, upang matunton ang responsable sa pagkasawi ng naturang Grab driver at maibigay ang hustisya sa naiwang pamilya ng biktima.

Kaugnay nito, sinabi ni Cu na prayoridad ng Grab Philippines ang kaligtasan ng kanilang mga drayber at ng mga pasahero.

Pinalakas aniya ng kanilang kumpanya ang safety measures, gaya ng pagkakabit ng emergency o SOS button sa app.

Nagpapatupad na rin ang Grab Philippines na mas mahigpit na account verification process para sa mga pasahero.

Sinabi ni Cu na nakapag-deactivate sila ng aabot sa isang daang libong accounts na may kaduda-dudang pangalan.

Sumailalim din ang mahigit limang libong Grab drivers sa training ng Philippine National Police, habang partner na ng TNC ang Red Cross, MMDA at High Patrol Group para sa road safety.

Umapela naman si Cu na magtulong-tulong upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at maging mapagmatyag laban sa mga kriminal.

 

TAGS: Grab Philippines, Grab Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.