Suarez nahalal bilang bagong House Minority Leader

By Erwin Aguilon August 07, 2018 - 10:47 PM

Matapos ang tatlong linggo natuldukan na ang isyu kung sino ang uupong minority leader ng Kamara.

Sa sesyon sa Kongreso ay nagmosyon si House Majority Leader Rolando Andaya na pagbotohan kung sino ang kikilalaning House Minority Leader.

Sa botohan sa plenaryo nanalo si Suarez na tinutulan naman ng kanyang mga katunggali na sina Marikina Representative Miro Quimbo at ABS Representative Eugene De Vera.

Maging si dating Majority Leader Fariñas ay nagpahayag din ng pagkontra sa pagkakaluklok ni Suarez.

Samantala, nahalal bilang chairman ng House Justice Committee si Oriental Mindoro 1st District Representative Doy Leachon kapalit ni Oriental Mindoro 2nd District Representative Reynaldo Umali.

Itinalaga naman sa Commission on Appointments si Zamboanga del Sur Representative Aurora Cerilles kapalit ni Isabela Representative Rodito Albano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.