LTFRB nag-inspeksyon sa mga bus terminals para sa Undas, mga colorum buses, hinuli
Kinumpiska ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang plaka ng ilang provincial buses sa isinagawang pag-iinspeksyon sa mga terminal sa Pasay City bilang paghahanda sa nalalapit na undas.
Naaktuhan mismo ni LTFRB Chairman Winston Ginez, ang mga colorum buses gayundin ang paglabag ng mga bus terminal.
Kabilang sa mga nahuling bus ang unit ng Super 5 bus company na natuklasang walang prangkisa, gumagamit ng improvised na plaka, at illegal ang pagbiyahe nito sa ruta.
Ang Elavil bus company naman ay hinuli dahil sa paggamit ng ‘jump seats’ sa mga bus na patungo sa Samar.
Habang ang terminal ng EJC Bus ay walang sapat na ventilation, naniningil ng toilet fees at may nakita sira sa windshield ng isa nitong bus.
Ayon kay Ginez magpapatuloy ang kanilang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga susunod na araw, bilang paghahanda sa Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.