Red tide alert nakataas sa Samar

By Justinne Punsalang August 08, 2018 - 03:49 AM

Inalerto ng Bureau of Fisheries and Aquatice Resources (BFAR) ang mga residente ng Villareal, Samar dahil nagpositibo sa red tide ang Villareal Bay.

Sa report na inilabas ng BFAR, nakasaad na nakitaan nila ng Pyrodinium bahamense na isang uri ng compressum o isang microorganism na nagdudulot ng paralytic shellfish poisoning ang tubig sa nasabing look.

Paalala ng ahensya, huwag kumain ng anumang uri ng shellfish, maging mga alamang mula sa Villareal Bay upang hindi malason.

Maaari namang kumain ng isda, pusit, alimango, at hipon na mahuhuli sa lugar ngunit paalala ng BFAR, tiyakin na maayos ang pagkakalinis dito at tanggalin ang mga lamang loob ng isda.

Samantala, nakaraas din ang red tide alert sa Matarinao Bay sa Guian, Eastern Samar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.