“Driver-only vehicles” bawal na sa Edsa tuwing rush hours
Inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon na nagbabawal sa driver-only private vehicle na dumaan sa kahabaan ng Edsa tuwing rush hours.
Ito ay makaraan ang ginawang deliberasyon ng mga Metro Manila mayors kasama ang mga opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang buong lanes ng Edsa ay ilalaan lamang sa mga high-occupancy vehicles (HOV).
Para payagang makaraan sa Edsa ang isang pribadong sasakyan ay kailangang may sakay na dalawa katao pataas kasama na dito ang tsuper.
“Yung sa HOV in-aprubahan din ng MMC na during rush hours sa Edsa kung pwede dalawa ang sakay sa kotse. Kung mag-isa lang di pwede dumaan during rush hours sa buong Edsa,” ayon pa kay Garcia.
Isasapinal na lamang sa kasalukuyan kung sasakupin ng bagong kautusan ang buong Edsa o kaya ay lilimitahan lamang sa pagitan ng Balintawak at Magallanes Avenue sa Makati City.
Base tala ng MMDA, umaabot sa 70-percent ng mga sasakyang dumadaan sa kahabaan ng Edsa ay mga driver lamang ang sakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.