Dating CJ Puno, inendorso si Court Administrator Marquez bilang bagong mahistrado ng SC

By Isa Avendaño-Umali August 07, 2018 - 01:12 PM

Inirekumenda ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno si Court Administrator Jose Midas Marquez bilang mahistrado ng Korte Suprema.

Sa liham ni Puno kay Pangulong Rodrigo Duterte, inihayag ng dating Chief Justice ang kanyang malakas na pagsuporta kay Marquez.

Nais ni Puno na si Marquez ang pumalit sa pwestong iiwan ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr., na magreretiro na bukas (August 8).

Si Marquez, na aplikante bilang Supreme Court Associate Justice, ay nagsilbi noon bilang chief-of-staff ni Puno at naging tagapagsalita ng Korte Suprema, bago maging Court Administrator.

Ayon kay Puno, taglay ni Marquez ang mga katangian na kailangan ng magiging bagong mahistrado ng Mataas na Hukuman.

Kapag aniya naitalaga si Marquez bilang Associate Justice, tiyak daw na marami siyang mai-aambag sa jurisprudence at judicial system sa bansa.

Matatandaang isang Rizza Joy Laurea ang nagtangkang harangin ang aplikasyon ni Marquez, dahil umano sa kwestyonableng disbursements ng pondo ng Korte Suprema. Pero ang alegasyon na ito ay mariing pinabulaanan ng Court Administrator.

 

TAGS: Court Administrator Midas Marquez, Ex-Chief Justice Reynato Puno, Supreme Court, Court Administrator Midas Marquez, Ex-Chief Justice Reynato Puno, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.