Buong board of directors ng Nayong Pilipino, sinibak sa pwesto ni Pang. Duterte

By Chona Yu August 07, 2018 - 12:10 PM

 

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng board of directors and management ng Nayong Pilipino dahil sa isyu ng malawakang kurapsyon.

Inanusyo ito ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa isang pulong balitaan sa Malakanyang kaninang umaga.

Ayon kay Roque, ang pagpapasya ng presidente ay ginawa matapos ang cabinet meeting sa Palasyo kagabi.

Ang pagsibak sa Nayong Pilipino officials ay kaugnay sa pagpapaupa sa lupang pag-aari ng gobyerno sa loob ng pitumpung taon.

Para aniya kay Pangulong Duterte, ang kontrata ay “grossly disadvantageous” para sa bansa.

TAGS: Nayong Pilipino, Rodrigo Duterte, Nayong Pilipino, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.