Malakanyang dumistansya sa kaso ng follower ni Pastor Quiboloy sa Amerika

By Chona Yu August 07, 2018 - 06:15 AM

Dumistansya ang Malakanyang sa naging desisyon ng korte sa Amerika na kasuhan na ng smuggling ang isang follower ni Kingdom of Jesus Christ Founder Apollo Quiboloy na si Felina Salinas dahil sa pagpupuslit ng 300,000 dollars na cash sa Amerika.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiyak na kaya na ni Quiboloy na depensahan ang kanyang sarili.

Bukod dito, sinabi ni Roque na isang private citizen si Quiboloy kung kaya walang pakialam ang Malakanyang.

Si Quiboloy ay kilalang kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod dito, tumulong din si Quiboloy sa kandidatura ng pangulo noong 2016 presidential elections sa pamamagitan ng pagpapahiram ng kanyang mga eroplano para sa mga campaign sortie ng pangulo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

TAGS: Harry Roque, Kingdom of Jesus Christ Founder Apollo Quiboloy, Radyo Inquirer, Harry Roque, Kingdom of Jesus Christ Founder Apollo Quiboloy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.