Kazuo Okada, hindi naaresto sa Hong Kong ayon sa kanyang abogado

By Justinne Punsalang August 07, 2018 - 05:14 AM

Iginiit ng mga abogado ni gaming tycoon Kazuo Okada na hindi ito naaresto sa Hong Kong dahil sa tangkang pagnanakaw sa kanyang sariling kumpanyang Okada Holdings Ltd. (OHL).

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Rean Balisi na wala namang kasong nakasampa laban kay Okada sa Hong Kong.

Ayon kay Balisi, ang kasong sinasabing nakasampa laban kay Okada ay tanging ganti lamang ng mga detractor ng gaming mogul sa mga kasong isinampa nito sa Commercial Crime Bureau.

May 9 nang magsampa ng kasong theft, conspiracy, fraud, at money laundering si Okada laban kay Universal Entertainment Corp. president Jun Fujimoto; Makoto Takada at Atsunobu Ishida na kapwa nagsabing sila ay director ng OHL; at iba pang mga indibidwal.

March 23 naman nang magsampa ng kasong fraud ang anak ni Okada na si Hiromi laban sa kanyang kapatid na si Tomohiro, at ang tatlong nabanggit dahil sa iligal na paglipat ng 9.78% shareholdings ng OHL.

Ayon kay Balisi, imposible para sa kanyang kliyente na pagnakawan ang sarili niyang kumpanya.

TAGS: Hong Kong, Kazuo Okada, Hong Kong, Kazuo Okada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.