Tour boat lumubog sa British Columbia, 4 ang patay

By Dona Dominguez-Cargullo October 26, 2015 - 11:23 AM

Tofino British ColumbiaLumubog sa karagatang sakop ng Tofino, British Columbia ang isang whale-watching tour boat na may lulang 27 pasahero.

Sa ulat ng CKNW radio, umabot na sa apat ang nasawi, lima ang dinala sa pagamutan habang patuloy pa ang rescue operations sa iba pang pasahero.

Kumikilos na ang Joint Rescue Victoria Coordination Center ng Tofino, para mailigtas ang iba pang sakay ng three-decker na MV “Leviathan II.

Una nang nakatanggap ng ‘mayday call’ ang rescue center mula sa nasabing tour boat bago naganap ang paglubog.

Maayos naman umano ang kondisyon ng panahon sa lugar kaya hindi pa tukoy ang dahilan ng paglubog ng tour boat na pag-aari ng Jamie’s Whaling Station and Adventure Centres na nag-aalok ng whale-watching tour sa lugar.

TAGS: Tour-boatsinksinBritishColumbia, Tour-boatsinksinBritishColumbia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.