4 na estudyante, arestado dahil sa pagkidnap sa kapwa estudyante

By Len Montaño August 07, 2018 - 04:25 AM

Inquirer file photo

Arestado ang apat na estudyante na suspek sa pagdukot sa isang estudyante ng Colegio de San Juan de Letran.

Nasa kustodiya na ng pulisya sina Jhulius Atabay, Ferdinand Dela Vega Jr., Ralph Emmanuel Camaya at Justine Mahipus.

Tinutugis ang anim pang mga estudyante na ang iba ay galing sa ibang unibersidad sa Maynila.

Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group director Chief Supt. Glenn Dumlao, dinukot ng mga suspek ang biktimang estudyante sa LRT Central Station noong August 1, 2018.

Kaklase ng biktima ang suspek na si Atabay na pinatakas umano ng grupo para sa negosasyon sa P30 million ransom kapalit ng paglaya ng hindi pinangalanang biktima.

Pero umamin kalaunan si Atabay na siya ang utak sa kidnapping sa kaklase nito.

Sa pagsalakay sa mga suspek ay nailigtas ang estudyante at naaresto ang 3 pang suspek.

Nasa mabuting kalagayan ang biktima sa kabila ng traumang sinapit sa 2 araw na walang kain at inom.

TAGS: Kidnap, Kidnap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.