Theatrical technics hindi uubra sa kampanya sa Pederalismo – Sotto

By DDC, Tricia Francisco - Radyo Inquirer Intern August 06, 2018 - 10:24 AM

Inihayag ni Senate President Vicente Sotto II na hindi uubra ang “theatrics” sa pagpapalawak ng kamalayan ng publiko ukol sa Pederalismo.

Sa kanyang official Twitter account sinabi ni Sotto na hindi gagana ang paggamit ng theatrical techniques sa pagpapaliwanag ng isang seryosong usapin.

Ginawa ni Sotto ang pahayag kasunod ng video ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson kung saan kasama niya ang blogger na si Drew Olivar na makikitang sumasayaw habang kumakanta ng mga lyrics na may double meaning at tinatalakay ang Pederalismo.

Nauna nang nagpahayag si Senator Aquilino Koko Pimentel III ng kanyang pagkadismaya kay Uson dahil sa nasabing video.

Umani rin ng batikos sina Uson at Olivar ng dahil sa dance number.

Ani Sotto, maaring “joke” ang ginawa sa nasabign video, pero ang Federalism aniya ay hindi kayang ipaliwanag gamit ang iilang minutong entertaining na video.

TAGS: Asec Mocha Uson, Drew Olivar, federalism, Vicente Sotto III, Asec Mocha Uson, Drew Olivar, federalism, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.