Panukalang 2019 budget naaayon sa Saligang Batas ayon sa ilang lider ng kamara
Ipinagmalaki ng ilang mga lider ng kamara na ipagpapatuloy ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang constitutionally-compliant line budgeting system para sa panukalang P3.757 trillion na budget sa susunod na taon upang matiyak ang pork-free ito.
Ayon kina Quezon City Rep. Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. at Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas ito ay upang matiyak ang pork-free National Expenditure Program sa pagpapatupad ni SGMA ng no zero budget policy sa lahat ng mga kongresista.
Pinapurihan din ng mga ito ang statesmanship ni SGMA sa kanyang pagtiyak na lahat ng kongresista kahit na bumabanat sa kanya ay makakatanggap ng budget sa ilalim ng pamumuno nito.
Paliwanag ni Belmonte, constitutional ang ginawang pagtiyak ni SGMA na lahat ng mga kongresista ay makatatanggap ng proyekto sa ilalim ng 2019 budget.
Ayon kay Abu, nakasaad sa line budgeting system ang lahat ng detalye ng mfa proyekto ng iba’t ibang ahensya para sa transparency at accountability sa paggasta ng pera ng bayan.
Sinabi nito na ang national budget sa ilalim ng Arroyo leadership ay wala ng lump-sum fund allocation kung saan nagmumula ang pork barrel na nauna nang ideneklarang unconstitutional ng Supreme Court.
Sinabi rin nito na pipilitin ng Kamara na ibalik ang mga tinanggal na budget sa health, education, agriculture, social services at infrastructures sapagkat kailanhan anyang matiyak na maipagkakaloob ang social services sa mg nangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.