Ecowaste Coalition, binalaan ang publiko vs pekeng lipsticks

By Isa Avendaño-Umali August 05, 2018 - 01:07 PM

Photo by: Ecowaste Coalition

Nagbabala ang environmental and health group na Ecowaste Coalition sa mga konsumer laban sa mga mumurahing lipstick na nagtataglay na nakalalasong kemikal at banta sa kasulugan.

Ayon sa Ecowaste, base sa kanilang ginawang test buys sa ilang pamilihan sa Divisoria at pagsusuri, nakitaan ng mapanganib at mataas na “concentrations of heavy metal contaminants” ang karamihan sa mga pekeng MAC at Qianxui lipsticks.

Paliwanag ni Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste Coalition, okay lang na mag-lipstick o mag-makeup ang mga mamimili partikular na ang mga kababaihan pero kailangang mag-ingat sila at huwag basta-bastang bibili ng mga mura at mga nasa bangketa.

Sinabi naman ni Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste Coalition, ang Arsenic, Cadmium, Lead, Mercury at iba pang otoxic metals ay hindi dapat bahagi ng komposisyon ng anumang lipsticks at cosmetic products.

Ang mga natural kemikal ay delikado sa public health ayon aniya sa World Health Organization o WHO.

Ang Ecowaste Coalition ay bumili ng 57 samples na napakamura sa halagang P14.50 hanggang P35 bawat isa.

Pero sa pagsusuri, 55 sa mga ito ay kontaminado ng isa o mas marami pang toxic metals, gaya ng lead, arsenic, cadmium at mercury.

Apela ng grupo sa publiko, iwasang tangkilin ang mga pekeng produkto kahit pa sabihing mura ang mga ito.

Hinimok naman ng Ecowaste ang gobyerno na gumawa ng aksyon laban sa mga gumagawa at nagbebenta ng mga fake lipsticks, at papanagutin ang mga ito sa batas.

Kasabay nito, sinabi ng Ecowaste sa mga manufacturer ng lipstick na gumawa ng abot-kamay na produkto upang mas mahikayat ang mga mamimili na huwag nang tumangkalik ng mga pekeng produkto.

TAGS: Ecowaste coalition, pekeng lipstick, Ecowaste coalition, pekeng lipstick

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.