SK kagawad, huli matapos makuhaan ng higit 1 kilo ng shabu sa Pasay

By Angellic Jordan August 05, 2018 - 08:41 AM

Radyo Inquirer file photo

Arestado ang isang kagawad ng Sangguniang Kabataan at isang kasamahan sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine National Police Criminal Investigation ang Detection Group (PNP-CIDG) sa Pasay, Sabado ng gabi.

Nakilala ng otoridad ang incumbent SK kagawad na si Christian Joshua Leria at isang 20-anyos na kasamahan sa bahagi ng Barangay 97, Zone 14.

Nakuha sa dalawang suspek ang mahigit isang kilo ng pinaniniwalaang shabu at baril bandang 8:30 ng gabi.

Ayon sa CIDG, isang linggo tinutukan si Leria matapos nakatanggap sila ng impormasyon na sangkot ang mga suspek sa gun running at drug trafficking.

Bumili ang mga operatiba ng isang kalibre .38 na revolver na nagkakahalaga ng P8,000 at nakuha naman ang dalawang pakete ng shabu sa dalang bag nito.

Sa taya ng pulisya, aabot sa P1.8 milyon ang halaga ng mga nakumpiska sa mga suspek.

Dahil dito, mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession og firearms and ammunition.

Oras na mapatunayang sangkot si Leria sa kaso, maaaring matanggal sa pwesto ito.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng otoridad kung saan nakakakuha ng suplay ng droga ang SK kagawad.

TAGS: Christian Joshua Leria, PNP-CIDG, shabu, SK Kagawad, Christian Joshua Leria, PNP-CIDG, shabu, SK Kagawad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.