Phil. Navy handa na sa pag-rescue sa mga bihag na Pinoy sa Libya
Nakahanda ang Philippine Navy na tumulong para mapadali ang pag-rescue sa tatlong Pinoy na dinukot sa Libya.
Sinabi ni Philippine Navy Naval Public Affairs Office Director Commander Jonathan Zata na naghahanda na sila ng “appropriate force package” sakaling ituloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang utos na sila ay maglayag papunta sa nasabing bansa.
Tuloy-tuloy rin ang komunikason ng Philippine Navy sa Combine Maritime Forces na nakabase sa Bahrain para sa kaukulang mga hakbang.
Noong July 6 ay dinukot ng mga armadong kalalakihan habang nasa job site ang nasabing mga Pinoy workers kasama ang isang Korean national.
Sa pamamagitan ng social media ay nagawang manawagan ng tulong ng nasabing mga bihag.
Sa talumpati ng pangulo sa Malaybalay City sa Bukidnon ay kanyang sinabi na magpapadala siya ng frigate sa Libya para tumulong sa pagliligtas sa mga bihag na Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.