Napoles hindi papayagan ng Sandiganbayan na maitapon sa U.S

By Jimmy Tamayo August 04, 2018 - 09:42 AM

Inquirer file photo

Hindi papayagan ng Sandiganbayan na ipa-extradite sa Amerika ang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Ipinaliwanag ni Sandiganbayan presiding justice Amparo Cabotaje-Tang na habang nililitis ng korte sa Pilipinas si Napoles, hindi ito maaaring paharapin sa korte sa ibang bansa.

Dagdag pa ni Tang, mananatili ang hurisdiksyon ng hukuman sa isang akusado maliban na lamang kung magkakaroon ng “termination of the case.”

Si Napoles ay nahaharap sa limang bilang ng plunder case sa anti-graft court bukod pa sa graft at malversation cases kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na inilaan sa mga pekeng non-government organizations.

Sinabi pa ni Tang na saklaw ng hurisdiksyon ng anti-graft court ay tiyakin na maihaharap sa paglilitis ang isang akusado.

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevaraa na maaaring i-extradite si Napoles sa Amerika para humarap sa paglilitis kaugnay ng kasong money laundering.

Noong Miyerkules, sinabi ng US Department of Justice na sangkot sa domestic at international money laundering si Napoles, kasama ang mga anak nitong sina Jo Christine, James Christopher at Jeane Catherine gayun din ang kapatid nitong si Reynaldo, at misis nitong si Ana Marie.

Sa imbestigasyon ng US Attorney’s Office for the Central District of California, nakuhang mailabas-pasok ng pamilya Napoles ang aabot sa $20 million na kinita nito sa pork barrel scam para ipambili ng mga ari-arian sa Estados Unidos.

TAGS: janet lim-napoles, Money-Laundering, plunder, pork barrel scam, sandiganbayan, janet lim-napoles, Money-Laundering, plunder, pork barrel scam, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.