Mga biktima ng EJK ipinagdasal ni Duterte na mapunta sa langit

By Den Macaranas August 04, 2018 - 09:20 AM

Inquirer file photo

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinanalangin na niya sa panginoon na tanggapin sa langit ang mga biktima ng extrajudicial killings sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa Malaybalay City, Bukidnon, sinabi ni Duterte na masyadong binibigyan ng proteksyon ng Commission on Human Rights ang mga kriminal at hanggang sa kanilang kamatayan ay kaisa pa rin nila ang mga human rights advocates.

Idindagdag pa ni Duterte na mas kinikilingan ng mga human rights advocates ang karapatan ng mga kriminal kumpara sa mga biktima ng krimen sa bansa.

Kasabay nito ay hihilingin rin umano ni Duterte na ireserba sa kanya ang pinaka-mainit na lugar sa impyerno kung meron man.

Mas gugustuhin umano niyang mapunta sa impyerno ang kanyang kauluwa basta’t mabigyan lamang ng kaayusan at matahimik na buhay ang kanyang mga naasakupan.

TAGS: bukidnon, CHR, duterte, ejk, human rights advocates, Illegal Drugs, malaybayal, bukidnon, CHR, duterte, ejk, human rights advocates, Illegal Drugs, malaybayal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.