Publiko pinahihinto sa pagbuo ng mga ispekulasyon tungkol sa Basilan Blast

By Rhommel Balasbas August 04, 2018 - 06:08 AM

Nanawagan ang Palasyo ng Malacañang sa publiko na iwasan ang pagbuo ng mga ispekulasyon tungkol sa naganap na pagsabog sa Lamitan, Basilan.

Sa press briefing sa Malaybalay, Bukidnon, nanawagan si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga mamamayan na huwag mag-imbento ng mga haka-haka at hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng mga awtoridad.

“For now, I ask the public to cease and desist from making any speculation and let’s await for the final investigation report from law enforcement agencies,” ani Roque.

Ayon sa kalihim, bineberipika pa ng mga awtoridad kung may kinalaman ang Islamic State sa pagsabog na ikinasawi ng 10 katao.

Sinabi ni Roque na napakadali lamang na akauin ang resposibilidad sa pag-atake.

Hindi pa dapat anya mauwi sa konklusyon dahil kasisimula pa lamang ng imbestigasyon ng mga law enforcement agencies.

Samantala, pinasalamatan ni Roque ang mga awtoridad sa mabilisang aksyon ng mga ito na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.