Southern Luzon, Vis-Min, uulanin pa rin dahil sa Habagat
Patuloy na uulanin ngayong araw ang ilang bahagi ng bansa dulot ng hanging Habagat.
Sa 4am weather advisory ng PAGASA, sinabi nitong makararanas pa rin ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at ARMM.
Bahagyang maulap naman ang kalangitan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao na may posibilidad ng mga pulo-pulong pag-ulan.
Samantala, ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA ay huling namataan sa layong 1,495 kilometro Silangan ng Northern Luzon.
Hindi pa rin inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang sama ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.