Habagat, patuloy na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw

By Rhommel Balasbas August 04, 2018 - 05:10 AM

Patuloy ang pag-iral ng Habagat na magdudulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Sa huling weather advisory ng PAGASA, sinabi nitong makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Palawan, Occidental Mindoro, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nagbabala ang weather bureau ng posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar,

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga biglaang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, Marinduque, Bicol region at nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.

Magiging maganda naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa na uulanin lamang bunsod ng localized thunderstorms.

Patuloy namang inaasahan ng PAGASA na hindi papasok ng Philippine Area of Reponsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na namataan sa Silangan ng Aparri, Cagayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.