Maleta na may lamang P1.5M isinoli ng airport personnel

By Jan Escosio August 03, 2018 - 12:54 PM

DOTr Photo

Hindi natukso ang ilang tauhan ng Puerto Princesa City International Airport at agad na ipinagbigay alam ang nakuha nilang maleta na naglalaman ng P1.5 milyon.

Sa ulat, alas-8 ng umaga noong Martes nang mapansin ang asul maleta sa tabi ng mga halaman sa arrival area.

Agad ipinagbigay alam ng guwardiyang si Jovanni Yumen ang maleta kayat agad na rumesponde ang Bomb Squad ng PNP Aviation Security Group.

Nang mag negatibo sa bomba, binuksan nila ang maleta at nakita ang 15 bundles ng P1,000 na ibinalot sa jacket.

Makalipas ang ilang oras, isang Danilo Dequito ang naghahanap ng asul na maleta.

Matapos maberipika na siya ang nagmamay ari ng maleta ay ibinigay din ito kay Dequito.

Pinapurihan na ni Transportation Sec. Arthur Tugade ang mga airport personnel sa kanilang katapatan.

TAGS: Airport Personnel, dotr, Puerto Princesa Airport, Airport Personnel, dotr, Puerto Princesa Airport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.